ERICH "SAAN ka galing, anak? Kaninang umaga pa kita hinahanap. Sabi ni Yaya Mean, umalis ka raw na hindi man lang nagpapaalam. Where have you been, huh?" Pagkapasok ko pa lang sa bahay, bumungad agad si mommy sa akin. I smiled at her fakely then walked towards to the living room. I silently sat down on the sofa before I opened my mouth. "Pumunta lang ako sa kaibigan ko," I answered. Lumapit si mommy sa akin at umupo sa tabi ko. "Na hindi nagpapaalam? Hindi ka ganiyan, Erich. Maraming beses mo na iyang ginagawa. Umaalis ka ng bahay na hindi man lang nagpapaalam sa akin. Ano na lang ang sasabihin ng daddy mo kapag nalaman niya itong mga pinaggagagawa mo?" "I'm sorry, okay? Wala na akong oras para sabihin sa iyo kung saan ako pupunta. This is my life, mom. Alam ko ang ginagawa ko, okay?