EMILY/SCARLETT HINDI ko alam kung paano ako magsisimula sa paghahanap sapagkat medyo makalat ang loob. Saan naman kaya nila itinatago ang mga gamit namin ni Ryan? Nandito lang ang mga iyon at hindi ako puwedeng magkamali. Nagtungo ako palapit sa lamesang punong-puno ng kung ano-ano at hinanap ang hinahanap ko pero wala akong nakita. Sumunod naman akong lumapit sa papag at inalis ang mga unan dahil baka nandoon ang mga hinahanap ko, but I saw nothing. Dismayado kong iniligpit ang mga unan dahil ayokong iwanan ang mga iyon ng ganoon na lamang dahil alam kong maghihinala sila sa aming dalawa ni Ryan. Bumaba ako ng papag at lumuhod, umaasang makikita na ang hinahanap ko sa ilalim ng papag pero katulad sa dalawa, wala rin akong nakita. Kung ano-anong mga bagay ang nandoon. Mga kagamitang