EMILY/SCARLETT ILANG araw na simula nang magkasagutan kami ni Ryan. Ilang araw na rin kaming hindi nagpapansinan. Hindi niya ba nahahalata na may tinatagong lihim ang mag-asawa? Bakit hindi naniniwala si Ryan sa akin na may baril akong nakita sa loob ng kubo ng mag-asawa? Ano ba ang kailangang kong gawin para maniwala lang siya sa akin? I'm so tired. I'm so freaking tired. Pagod na pagod at takot na takot na akong manatili sa lugar na ito. Gusto ko nang umalis sa lugar na ito dahil malakas ang kutob ko na hindi na ligtas dito. Pero paano ako makakaalis kung malayo naman ito sa kabihasnan? Kailangan ko munang makatawag sa pamilya ko sa Maynila bago ako umalis. Ryan and I aren't safe here anymore. Pero parang wala lang iyon kay Ryan. Ni hindi man lang ito nakakaramdam na hindi na kami li