EMILY MINSAN, parang ayaw ko nang matapos ang araw sa tuwing kasama ko si Ryan. Walang araw na hindi ako nagiging masaya nang dahil sa kaniya. Hindi naging mali ang desisyon ko na patawarin siya at muling tanggapin sa aking buhay lalo na rito sa aking puso. Masakit ang nangyari nang nakaraan. Sa katunayan, hirap na hirap akong iwaksi ang mga iyon sa utak ko dahil lubusan akong nasaktan at nahirapan. Sadyang malakas ang idinulot noon sa aking sarili sapagkat si Ryan ang kauna-unahang lalaking aking minahal. Ngunit ngayon, wala na akong pinagsisisihan. Masaya ako sa naging desisyon ko na muli siyang tanggapin sa aking buhay. Kung mayroon man akong pagsisisihan, iyon ay naging mahina ako sa panahong kailangan kong maging malakas. Sabi ko nga, past is past. Ano bang ginagawa riyan? Hind