RYAN IF everything is just a dream, mas gugustuhin ko na lang na manatili sa panaginip na ito kaysa magising pa. Sobrang galak ko ngayong natupad na ang isa sa mga pangarap ko noon. Pangarap na akala ko'y hindi na matutupad sa tanang buhay ko. Hindi ko inakala na darating sa punto na halos hindi na ako makatulog dahil sa sobrang kagalakan na nararamdaman ng aking puso. Kung panaginip lang ang lahat ng ito, I would rather stay here than wake up. Masaya ako bilang asawa ng pinakamamahal kong babae sa buong daigdaig, masaya rin ako bilang ama ni Rainier Elijah. Hindi pa rin ako makapaniwala. Naandito na ako sa punto na wala na akong mahihiling pa sa Diyos. I'm already content with everything I have right now. Hindi man sa akin nanggaling si Rainier Elijah—I may not be his father, too, but