EMILY/SCARLETT "SINUSUNDAN mo ba ako, Ryan?!" galit kong tanong kay Ryan habang diretsong nakatingin dito. Mas lalo pa itong ngumisi pero sa pagkakataong iyon ay pumamulsa na ito. "Hindi kita sinusundan, Emily. Nagkataon lang siguro na rito rin ako pupunta," mahinahong sagot sa akin ni Ryan. "Sa tingin mo maniniwala ako sa iyo? Alam kong sinusundan mo ako kaya ngayon pa lang, tumigil ka na sa pagsunod sa akin dahil kung hindi, ipapapulis kita. We're already done, Ryan. Tapos na tayo dalawang taon na ang nakalipas. Manahimik ka na. Pagsawaan mo na lang si Erich dahil iyan naman ang gusto mo, 'di ba?" "What are you talking about, Emily? I don't understand why you're saying that. Ang layo-layo ng mga sinabi mo. I'm telling you the truth, hindi kita sinusundan." Marahan akong tumawa. "If