EMILY/SCARLETT "SCARLETT?" Mabilis akong lumingon sa pinanggagalingan ng boses at mula sa hindi kalayuan, nakita ko si Steven. Umiiyak akong tumakbo palapit dito at walang pagdadalawang isip na niyakap ito nang mahigpit. I hugged him tight because I'm scared right now. "Help me, Steve. Help me!" umiiyak kong saad habang hindi inaalis ang pagkakayakap dito. Humiwalay si Steven sa akin at mataman akong tiningnan sa aking mga mata. "What's wrong, Scarlett? Tell me." "That man..." Tinuro ko ang lalaking nakaupo sa sahig habang sapo ang parte ng ulo nito na kung saan ay pinukpok ko ng baso. "Binastos niya ako, Steven. He... he held my breasts and squeezed them..." natatakot kong paliwanag kay Steven. When I looked at Steven, masama na ang tingin nito sa lalaki. Naglakad ito at walang ano-