EMILY/SCARLETT NANG makauwi ako sa aking bahay, agad akong nagpatianod patungo sa ikalawang palapag upang makapagpahinga na. I'm not in the mood and all I want right now is to have some rest dahil pakiramdam ko ay babagsak ang aking katawan anumang oras. Nang tuluyan akong makarating sa aking kuwarto, agad kong ibinagsak ang aking katawan sa kama at sunod-sunod na bumuntong-hininga. Hindi mawala sa utak ko iyong lalaki kanina. I have this feeling na kilala ko siya. But I know, I have never seen that man before. Pero baka sumagi lang sa paningin ko noon kaya pakiramdam ko ay kilala ko siya. Whatever! The man is nice. He talked to me nicely, and he even apologized kahit muntikan ko na siyang mabangga. Ganoon ang isang ideal na lalaki. For sure masuwerte ang mapapangasawa ng lalaking iyo