EMILY/SCARLETT "HINDI ko pa rin maintindihan kung bakit ganoon ang inasal mo sa mga magulang ni Steven. Napahiya kami, anak. Asang-asa sila na papakasalan mo si Steven, pero binigo mo sila, Emily. Gusto ka nila para sa anak nila. At gusto rin namin ng papa mo si Steven para sa iyo dahil nakikita namin na aalagaan ka niya at hindi ka lolokohin hindi katulad nang ginawa sa iyo ni Ryan. Maraming beses nang nangako si Steven sa amin, anak. Mahal na mahal ka ng lalaking iyon pero bakit hindi mo siya magawang mahalin? Ganiyan na ba katigas ang puso mo, anak?" Napalunok na lang ako nang mariin nang marinig iyon kay mama na kasalukuyang nakatayo sa likuran ko. I clenched my fists before I faced her. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumingin nang masama kay mama. I know wala akong karapata