EMILY/SCARLETT HINDI ako mapakali sa loob ng opisina ko. I tried to calm myself since earlier pero sadyang ayaw makisama ng sarili ko. Kumakabog ang dibdib ko habang ang mga kamay ko naman ay namamawis. Wala akong lakas upang sundan si Amy sa ospital. Nanghihina ako na hindi ko mawari. Alalang-alala ako sa kaniya at ngayon ay naghihintay na lang ako ng update ng mga staff ko na nagdala kay Amy sa ospital. Mayamaya pa ay bigla na lang akong natigilan nang marinig kong bumukas ang pinto. Nang balingan ko kung sino iyon, nakita ko si Steven. Nag-aalala itong lumapit sa akin at sinapo ang balikat ko. "Are you okay, Scarlett?" Mabilis akong umiling. "I'm not okay, Steven." At sa maraming pagkakataon, umiyak na naman ako. Hindi ko namalayan na napayakap na ako kay Steve. Mahigpit ko siyang