“INGAT SA biyahe,” ani Tanya kay Karzon bago bumaba sa kotse nito. Papunta ito sa Davao nang araw na iyon. Hindi naman nangulit si Tanya na gustong sumama sa asawa. Gusto rin kasi niyang makumusta sa personal ang kaniyang ama’t ina at mga kapatid. Isa pa, hindi siya kuntento na nakakausap lang ang mga ito sa telepono. Iba pa rin kasi iyong nakikita niya sa personal ang mga ito. Mas makakasiguro siya kung okay nga ba ang mga ito o hindi. Ni hindi na siya nag-abala pa na ayain sa loob si Karzon, alam naman niya na nagmamadali ito. Kaya laking gulat niya nang sumunod pa ito sa kaniya papasok sa bahay nila. “B-bakit hindi ka pa umalis? Baka ma-late ka sa flight mo,” aniya rito. “Narito na pala kayo,” masigla pang salubong sa kanila ng kaniyang Mommy Gweneth kaya dito na nabaling ang atensi