“BAWAL UMIYAK,” paalala pa ng makeup artist ni Ayah matapos siyang ayusan. Gandang-ganda na naman si Ayah sa kaniyang sarili habang nakaharap sa salamin. “Paano ba ‘yan? Ngayon pa lang ay naiiyak na ako,” ani Ayah kay Marsh. “Madam, mamaya ka na lumuha sa simbahan, may pictorial ka pa,” paalala pa ni Marsh kay Ayah. “Ang mabuti pa ay isuot mo na po ang ‘yong wedding gown, Madam. Naghihintay na rin po ang inyong photographer sa labas.” “Sige po,” aniya na tumayo na mula sa pagkakaupo. Sa pagsusuot naman ng kaniyang wedding gown ay tinulungan din siya na maisuot niya iyon dahil hindi niya kaya kung mag-isa lamang siya. Matapos isuot ang kaniyang wedding gown at ang mamahaling sapatos sa paa ay marami rin ang nakaalalay sa kaniyang paglabas papunta sa may salas kung saan gaganapin ang k