MATAPOS ANG matagumpay na kasalan ay sa reception naman itinuloy ang kasiyahan sa kasal nina Ayah at Prix. Hndi pa rin makapaniwala si Ayah sa pagdating ng kaniyang dalawang nakatatandang kapatid kasama ang asawa at mga anak ng mga ito na siyang pamangkin niya at pinsan naman ni Prince. Sobrang saya niyang lalo. At literal na wala na siyang mahihiling pa para sa araw na iyon dahil abot langit ang kaniyang kasiyahan. Damang-dama rin ang kasiyahan ng lahat sa reception. Pagkatapos nilang kumain ay tuloy ang kasiyahan. Nagpa-agaw si Ayah ng kaniyang wedding bouquet sa mga dalagang naroon. “Ate Ayah, sinadya mo ba itong bumagsak talaga sa akin?” hindi makapaniwalang bulalas ni Sephany na nasisi pa nga si Ayah. “Hindi ko kita, Seph,” natatawa naman niyang wika. Para bang hindi lalo ikin