“NAPAKA-CUTE ni Kaizen,” tuwang-tuwang bulalas ni Ayah habang pinagmamasdan ang tatlong buwan ng anak nina Karzon at Tanya. Ang bunso ng mga ito. Lalaki rin. “Syempre, kanino pa ba magmamana?” ani Tanya. “Syempre, hindi sa iyo,” wika naman ni Prix sa Tiyahin. Naningkit ang mga mata ni Tanya. “Mabuti na lamang talaga at wala akong anak na kahawig mo, Prixton. Ibibigay ko talaga sa iyo.” “Tunay?” “Karzon, please lang. Pakilayo ang pamangkin mo. ‘Yong malayong-malayo. Tipong hindi ko matatanaw. Pakialis sa harapan ko at baka hindi ko matantiya.” “High blood ka na naman. Baka makunan ka, Auntie,” patuloy na biro dito ni Prix. “Prix,” saway na sa asawa ni Ayah ng Uncle Karzon nito. “Kapag nabaynat ang Auntie mo, mayayari ka sa akin.” “I’m just kidding,” natatawang bawi ni Prix. “Palagi