6 Months Later… KABUWANAN na ni Tanya at naghihintay na lamang sila ni Karzon ng araw kung kailan siya manganganak. Dahil tatlo ang anak na isisilang niya sa mundo kaya kailangan niyang i-cesarian. Ayaw niyang mag-normal delivery sa takot na baka may anak sila na hindi niya mailabas ng maayos. Doon na siya sa safe na proseso. Medyo may kalakihan ang kaniyang tiyan dahil tatlo ang kaniyang dinadala. Ganoon pa man ay kaya naman niyang dalhin. Tunay na kay galing ng Diyos dahil hindi nito hinahayaan ng husto ang mga nagdadalang tao na mahirapan sa mga dinadalang sanggol. Sumusunod naman siya sa kaniyang diet para hindi siya mahirapan kapag manganganak na siya. Natakot din siyang lumubo nang lumubo at baka mahirapan siya sa panganganak. Umiwas siya sa mga sweets at sa mga maaalat na pagkain