Chapter 66

1442 Words

“SIR, heto na po ang order ninyo,” anang binilhan ni Karzon ng Takoyaki na inuungot ng kaniyang asawa. “Thank you,” tugon naman ni Karzon. Ang kinuha niya na Takoyaki ay ang kakainin na nila ng kaniyang asawa na si Natanya na nagpaalam na lalakad-lakad lang ng kaunti sa may sidewalk dahil nananakit lalo ang balakang nito kung nakatayo lamang. Wala pa namang mga bangko sa harapan ng maliit na tindahan ng Takoyaki. Ang takeout naman nilang Takoyaki na para kay Mang Atong ay ipinatong muna niya sa patungan sa may harapan ng tindahan ng Takoyaki. “Sweetie, luto na ang—” Nang mapatingin siya sa dereksiyon ni Natanya na hindi naman sobrang layo sa kaniya ay nahagip pa ng kaniyang paningin ang mabilis na sasakyan na mukhang nawalan ng preno dahil dere-deretso iyon at tinutumbok ang kinaroroon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD