NANG MAMATAY sa pangatlong pagkakataon ang kandilang sinindihan ni Karzon ay muli niya iyong sinindihan gamit ang lighter na nabili niya kanina. It’s been five years. Pero parang kailan lang ang lahat kung babalikan sa kaniyang alaala. Para bang sariwa pa rin ang lahat. O sadyang nananariwa lang talaga ang sakit sa kaniyang dibdib sa tuwing darating ang araw na iyon? Muli ay huminga nang malalim si Karzon para paluwagin ang kaniyang naninikip na dibdib. “Thank you,” mahina pa niyang usal habang ang tingin ay muling ibinalik sa puntod. Nang buhat sa may likuran niya ay may yumakap na mga kamay sa kaniya, hindi niya mapigilan ang sandaling mapapikit. Lalo lang nag-iinit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. “Daddy, matagal ka pa ba? ‘Yong mga anak kasi natin ay ginawa ng playground ito