KUMUWALA sa labi ni Tanya ang buhay na buhay na tawa nang iikot pa siya ni Karzon. Nagsasayaw kasi sila sa harapan ng mga anak nila sa may salas. Tuwang-tuwa naman si Aniah na tumakbo pa palapit sa ama nito at gusto ring magpaikot. “Ayan na naman ang numero uno kong kaagaw sa iyo,” natatawa niyang wika kay Karzon nang umeksena na sa pagitan nila si Aniah. Pinalalayo pa siya. “Grabe siya sa akin.” Medyo ininis pa niya si Aniah at hindi lumayo sa ama nito. Yumakap pa siya kay Karzon. “Daddy is mine, Aniah,” wika pa niya. “No. Daddy is mine! Daddy!” tila nagsusumbong na tawag ni Aniah sa ama nito. “Sweetie, humihibi na ang anak natin,” ani Karzon sa kaniya habang nangingiti. “Ang cute nga niya, eh,” aniya na niyuko pa ang anak na si Aniah. Yumakap pa ito sa binti ng ama nito habang iti