HABANG ABALA sa paglalaro ang mga anak nila ni Karzon ay inabala naman ni Tanya ang kaniyang sarili sa paglalagay ng spaghetti sa plato ng mga ito. Sa may lanai ay mayroong pahabang lamesa kung saan madalas din silang kumain. Ang mga kawaksi naman ang nagsalin ng malamig na juice sa mga baso. Napapangiti pa si Tanya habang pasulyap-sulyap sa kinaroroonan ng mga bata. Kalaro ng mga ito ang ama at si Nhiel na dumalaw sa mga pamangkin nito. “Handa na ang meryenda,” tawag niya sa kaniyang asawa at mga anak. “Nhiel,” tawag din niya sa kaniyang kapatid. “Tama na ‘yan.” Bukas daw ay uuwi rin sa Pagbilao ang mga magulang niya at dalawa pang kapatid para dalawin ang mga anak niya. Nauna lang si Nhiel na nag-half-day sa trabaho. At sa Pagbilao City na dumiretso. May mga dala pang pasalubong sa mg