NANG MAKAPASOK sila sa silid ni Thaddeus ay binuksan pa nito ang ilaw sa may tabi ng pintuan bago isinara mismo ng binata ang pinto. Sinikap ni Sephany na bawiin ang kaniyang kamay na hawak ni Thaddeus ngunit hindi naman nito iyon binitiwan. “Matulog ka na,” anito nang paupuin pa siya sa may gilid ng kama. Pagkuwan ay saka lang nito pinakawalan ang kaniyang kamay. “D-dito ulit ako matutulog?” halos mautal niyang tanong dahil hindi pa rin siya makapaniwala. Matapos ng lahat ng naging bangayan nila sa maghapon, sukdulang umalis ito ng rancho dahil sa kaniya, in the end, heto pa rin si Thaddeus mas pipiliing patabihin siyang matulog sa kama nito dahil alam nitong hindi siya makakatulog mag-isa. Kaysa hayaan siyang bangungutin sa kabilang silid. Humapdi na naman ang kaniyang lalamunan. Th