HINDI RIN naman nagtagal sa rancho ang mag-amang Theo at Henry Ballmer dahil may pupuntahan pa ang mga iyon. Dumaan lang talaga ang mga ito sa rancho ng walang pasabi. Nang makaalis ang mag-ama ay agad siyang hinila ni Thaddeus paakyat sa itaas, sa silid nito. “What was that, Sephany?” galit nitong tanong sa kaniya. Para bang nagpipigil ang sarili na mabulyawan siya. Still, he manages his anger towards her. Sino nga ba naman na matino ang hindi magagalit sa kaniyang ginawa? Sa halip na hindi niya paboran ang nais ng ama nito ay naging kakampi pa siya niyon para mag-asawa na si Thaddeus. Ayon sa ama nito, kung kailan ipinagtatabuyan nito si Thaddeus na mag-asawa na ay saka naman ayaw. Palagi raw kasi nitong pangaral sa mga anak noong mga kabataan pa na huwag na huwag magnonobya at mag-f