MAY PAGTATAKA na inilibot ni Tanya ang tingin sa paligid ng kusina. Nakakapagtaka na wala siyang makita ni isa man sa mga kawaksi. Kahit si Nana Ester, wala roon. Minabuti niyang tingnan ang mga ito sa silid ng mga ito, wala rin. Kahit sa pribadong silid ni Nana Ester ay wala rin ang matanda. Pumunta rin si Tanya sa may pool area. Bawat silid din sa penthouse ay sinilip niya ngunit bigo siya na makita ang mga kasambahay. Balot tuloy ng pagtataka nang bumalik siya sa silid nila ni Karzon. At ang asawa niya, tulog pa rin. Wala ba itong balak pumasok na naman? Naupo siya sa gilid ng kama at ginising na si Karzon. “Baka ma-late ka sa trabaho mo,” panggigising niya rito. “Karzon.” “Hayaan mo ‘yong trabaho,” anito na hinila pa siya pahiga sa tabi nito. Niyakap pa siya nito at hindi pinakaw