ANIMO MAYROONG malamig na kung ano na nanalaytay sa buong katawan ni Ayah the moment na naglapat ang mga labi nila ni Prix. Na sa hinagap ng muli nilang pagkikita ay hindi niya inisip na posible pang mangyari. Na kahit katiting ay may affection pa rin itong nararamdaman sa kaniya. Dahil kung wala? Bakit siya nito hahalikan? Ang balak ni Prix, iaapelyido nito rito si Prince. Simula na ba iyon ng paghihiwalay nilang mag-ina? Paano kung si Prince lang ang habol nito sa kaniya ngayon? Lalo na at pabor na pabor pala sa pamilya nito ang pagkakaroon nito ng anak. Lalo pa at isang lalaki na magmamana sa apelyido ng mga ito. Umakma si Ayah na itutulak sa may dibdib nito si Prix nang lalong humapit ang mga kamay nito sa may baywang niya. Hindi rin siya tumugon sa halik nito kahit gustong-gusto ni