Chapter 40 - Prix Montejero: The Former Playboy

2257 Words

UNTI-UNTING bumagal ang paglalakad ni Prix. Napalingon pa siya sa kaniyang pinanggalingan. Pagkuwan ay muling nagpatuloy sa paglalakad. Bago siya tuluyang bumaba sa kaniyang opisina ay pinuntahan muna niya si Prince. Abala pa rin ang atensiyon nito sa panonood ng cartoons. At nang makita siya, hayon na naman ang ngiti nito na tila ba nagpaliwanag sa buong paligid nila. Naupo siya sa tabi nito at walang salita na niyakap ito. Anak ko… ang mga katagang iyon ay gustong-gusto niyang ibulalas. Pero tama si Ayah. Hindi niya kailangang madaliin ang pagpapaalam dito na siya ang ama nito. “Okay ka lang ba rito?” tanong pa niya. Tumango si Prince. “Opo, Sir. Okay lang po ako rito. S-Sir, aalis pa po ba kami ni Mama?” alanganin pa nitong tanong. Umiling siya. “Hindi na. Dito lang kayo ng Mama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD