“DIYAN ba ninyo balak kumain?” Hayon na naman ang kabog sa dibdib ni Ayah nang makita niya si Prix na pumasok sa kusina. Salubong ang mga kilay nang magtanong sa kaniya. Hindi tuloy mapigilan ni Ayah nang sulyapan si Prince na kakain pa lamang. Ang pinakaginawa nilang mesa ng kaniyang anak ay ang kitchen island. At oo, doon sila kakain ng hapunan nilang mag-ina. Wala namang iba pa. Alangan namang sa may dining room pa sila kumain? Kalabisan iyon. “May problema ho ba?” balik-tanong ni Ayah kay Prix. Walang salita na muli itong lumabas ng kusina. Napapantastikuhan naman si Ayah. Nakahain na rin kasi ang pagkain nito sa may dining room. Ano ba ang problema ng lalaking iyon? “Sige na, anak, kumain ka na,” baling niya kay Prince. “Mama, sabay na po kaya tayo?” Hinaplos niya ang buhok ni