Chapter 15 – Sephany Montejero: The Marriage Contract

2304 Words

NANG MAKARAMDAM na ng pagkalam ng sikmura si Sephany ay ipinasya na niya na pumunta sa kusina. Ngunit pagdating niya sa may salas ay may nakita siyang bisita buhat sa may labas ng malaking ranch house na kabababa lang sa isang kotse. “Good morning po,” bati pa ng kawaksi na sumalubong sa pagbaba ng babaeng bisita. Palaisipan kay Sephany kung sino iyon. Nang mapansin ang dala niyong medicine kit ay saka lang niya napagtanto na baka ito iyong nurse na tinutukoy ni Thaddeus na gumagamot sa sugat nito. Maganda rin ang naturang nurse. Pero bakit may naramdaman siyang disgusto para sa naturang babae? “Hi,” nakangiti pang bati kay Sephany nang babaeng bagong dating nang makapasok iyon sa loob ng bahay. “Hi,” napilitan niyang wika. “Sinusundo lang po si Sir Thad,” inporma pa ni Mardie sa nur

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD