NAGPAPAANTOK na si Sephany sa silid na kaniyang ukupado sa ranch house ni Thaddeus. Nakatalakbong pa siya ng kumot sa kaniyang buong katawan, hanggang sa may ulo niya, para lamang makatulog. Ngunit hindi iyon makatulong upang makatulog siya. Siguro magpupuyat na lamang siya hanggang sa kusang sumuko ang kaniyang mga mata. Pipikit pa lang kasi siya ay animo nakikini-kinita niya ang nangyari sa masamang panaginip niya kaninang hapon. Kinikilabutan siyang lalo. Pero kung magpupuyat siya, ano naman ang gagawin niya? Magbabasa? Kung manonood naman siya ng TV, baka magising pa ang mga kasama niya sa bahay na iyon. Nag-iisip pa rin si Sephany kung ano ang mabuting gawin nang bigla niyang maramdaman ang paglundo ng kaniyang kama na kinahihigaan. Napigil niya sandali ang pahinga. At sino nama