MATAMANG pinagmasdan ni Tanya ang pagdaloy ng tubig sa ilog. Napabuntong-hininga na naman siya. Hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang kinahaharap ngayong problema ng kaniyang asawa. Hindi niya mawari kung bakit kailangang idamay ang pangalan ng kaniyang asawa sa isang illegal gambling kung hindi naman ito nagsusugal. What for? Para gawing scapegoat ng mga kalaban nito sa negosyo? Paano bang magpanggap na okay lang kahit na alam mong hindi ka okay? Hindi pala madali. “Mommy!” malakas na tawag sa kaniya ni Tres. “Let’s swim, mommy!” Nginitian niya ang kaniyang anak na si Tres. Nang mga sandaling iyon kasi ay abala sa paliligo ang apat nilang anak ni Karzon. Ganoon din ang ama ng mga ito. Ngunit wala siya sa mood na maligo ng mga sandaling iyon. Gusto lang niya na nakalubog ang kani