DAHIL sa paggising ni Tanya ng alas tres kanina ng madaling araw kaya naman medyo tinanghali na siya ng gising kinaumagahan. Pupungas-pungas pa siya nang magising siya. Wala na sa tabi niya si Karzon. Mag-isa na lamang siya sa kama. Ang bintana sa loob ng silid nila ay nakasara pa rin. Siguro ay upang hindi mabulabog ang kaniyang pagtulog dahil sa liwanag. Bumangon na siya at dumiretso sa banyo upang magbawas ng panubigan, maghilamos at mag-toothbrush na rin. Kaya naman paglabas niya sa banyo ay feeling fresh na ulit ang kaniyang pakiramdam. Lumapit muna si Tanya sa may bintana. Iwinahi niya ang kurtina na kulay puti at saka binuksan ang nakasarang bintana. Sumalubong sa kaniya ang sariwang simoy ng hangin. Dahil maraming puno sa paligid ng bahay na kinaroroonan nila kaya naman malamig