Chapter 42 – Sephany Montejero: The Marriage Contract

2112 Words

BALOT NG MAKAPAL na jacket si Sephany dahil malamig pa rin ang panahon sa Tagaytay nang umagang iyon. Hindi naman siya nilagnat dahil sa paliligo sa ulan na isa sa ipinagpasalamat niya. Uminom din siya ng gamot para mas mabilis na mawala ang sipon niya. Kaya nang magising siya isang umaga ay hindi na mabigat ang kaniyang pakiramdam. Nakatulong din ang pahinga. Hindi na niya kailangan pang maglagay ng tissue sa ilong dahil sa panunubig ng kaniyang sipon. Iyon nga lang, tuloy pa rin ang pag-inom niya ng salabat sa umaga at bago siya matulog. At dahil sa medyo pagsama ng kaniyang pakiramdam dahil sa sipon ay hindi na muna talaga pumasok pa sa trabaho si Thaddeus para maalagaan siya. Wala siyang masabi sa pagiging maalaga ng kaniyang asawa. Hands up talaga ang dalawa niyang kamay. “Papasok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD