WEEKEND, naisipan nila ng kaniyang asawa na sa Ballmer Ranch muna mag-stay dahil na-miss na rin ni Sephany ang naturang lugar. Hindi naman kumontra si Thaddeus na na-miss din ang pangangabayo. Paglabas sa trabaho ni Thaddeus, gabi ng Friday, sa Batangas na sila dumiretso. Iyon nga lang, maulan nang magising sila kinabukasan. Napabuntong-hininga si Sephany habang nakatitig sa labas ng bintana, sa silid nila ng kaniyang asawa. “Maulan. Paano tayo makakapangabayo?” aniya nang pumihit na paharap sa may kama kung saan nakadapa pa rin si Thaddeus. Pikit pa rin ang mga mata nito. “Then, dito lang muna tayo sa loob ng bahay. Wala rin naman tayong magagawa kung maulan. Tiyak na madulas ang trail dahil basa.” Nahiga siya sa kama at muling ibinaling ang tingin sa labas ng bintana na nakawahi na