SA SUSUNOD na araw ay pupunta na sila ni Thaddeus sa Baguio. At wala pa ring nababanggit si Sephany sa kaniyang asawa ng tungkol sa kanilang kontrata na napagkasunduan noon. Oo, gusto niyang lumipas ang buong araw bukas ng maghapon na hindi nauulit sa asawa na tapos na ang tatlong buwan na hiniling niya rito. Ngayon, kung si Thaddeus naman ang hihiling sa kaniya na mag-extend na sila forever sa pagiging mag-asawa, buong puso niyang tatanggapin. Open arms pa niyang tatanggapin ang proposal nito. At sa araw ngang iyon, nakatakda naman siyang pumunta sa Makati. Magkikita kasi sila ni Joan sa kaniyang hotel dahil mayroon siyang pinaaasikaso rito. “I’m going,” masuyo pang paalam ni Thaddeus kay Sephany habang nasa labas sila ng hotel na tinutuluyan nila. Magkasunod na nakaparada ang sasakyan