NADISMAYA si Ayah nang makita ang tubig sa ilog. Kulay kape pa rin iyon. “Ibyang, wala bang balak luminaw ang tubig dito?” tanong niya sa kaniyang kasama sa pagpunta roon nang umagang iyon. “Pabalik na rin po ‘yan sa dating kulay niya. Hindi na po kasi kasing tindi katulad noong nakaraan ang kulay ng tubig sa ilog.” Napabuntong-hininga si Ayah. Kailan pa iyon lilinaw talaga ng husto? “Kukunin ko pa po ba ‘yong mga inihanda ninyong gamit sa bahay po ninyo?” Umiling siya. Kasing lungkot ng kulay ng ilog ang kaniyang pakiramdam. “Hindi na, Ibyang. Ang lungkot sa pakiramdam ng lugar na ito. Babalik na lang ako kapag malinaw na. Saka ulit ako tatambay rito.” “Para hindi po kayo mapagod sa pagbalik dito, papatingnan na lang po natin sa iba pong tauhan kung malinaw na po ang tubig at puwed