“SAAN PUMUNTA si Sephany?” “Nasa may ilog po, Mommy,” sagot ni Zeb na kauuwi lang sa kanilang bahay. “At bakit mo naman hinayaan lang na mag-isa roon? Puntahan mo.” “Sige na, anak,” pagtataboy rin sa kaniya ng kaniyang Daddy Javier. Napabuntong-hininga si Zeb. “Mom, Dad, hindi po ba talaga natin ipapaalam kahit kina Kuya Prix at Ate Ayah na narito si Sephany?” Umiling ang kaniyang ina. “Anak, iyon ang bilin ni Sephany. ‘Wag ipaalam sa kaniyang pamilya.” “Paano ho kung nag-aalala na ang mga ‘yon sa kaniya? Lalo na ang asawa niya? Dalawang linggo na siya rito sa atin. At saka, kitang-kita naman po ninyo na sobrang lungkot ni Sephany. Akala mo, pasan-pasan palagi ang mundo.” “Kung susuwayin natin ang gusto ng kapatid ng Kuya Prix mo, baka naman sa atin siya magalit?” Hindi naman sa ay