KAHIT ABALA si Prix sa trabaho ay panaka-naka pa rin niyang sinusulyapan si Prince na kasa-kasama niya sa kaniyang opisina ng araw na iyon. Nasa may visitor area ito at abala sa pag-do-drawing sa skitch pad na binili niya para dito. Mayamaya pa ay tumayo siya at nilapitan ito. Sandali pa siyang natigilan nang makita ang drawing nito sa skitch pad. Tipikal na drawing ng bata na tao. Kurteng bilog ang ulo at animo stick ang katawan niyon. May buhok din naman. Magkakahawak ang kamay niyon. “Ano’ng dino-drawing mo?” tanong pa niya nang tabihan ito kahit na may ideya siya sa dr-in-awing ni Prince. “Family po.” “Sino ‘to?” “Si Papa po.” Bigla, para bang napigilan ni Prix ang paghinga dahil sa sinabing iyon ni Prince. Huminga pa siya nang malalim nang makabawi. “Bakit kailangang kasama a