SA ISANG iglap nalimutan ni Ayah kung nasaang lugar sila ni Prix. Oo, walang ibang tao kung ‘di silang dalawa lamang. Ngunit hindi na iyon katulad ng lugar na madalas nilang pagkitaan ng palihim ni Prix noon sa San Diego. Ganoon pa man, tila parehas pa silang walang pakialam sa kanilang kinaroroonan. Basta ang mahalaga ng mga sandaling iyon ay ang napakasarap na dulot ng halik ni Prix sa kaniya. Ni hindi siya tinamaan sa red wine na ininom nila kanina sa restaurant nang mag-dinner sila nina Prince. Pero heto at tila nilalasing siya ng mga halik ni Prix sa kaniyang labi. Halik na pagsagap lang ng hangin ang pahinga. He kissed her wholeheartedly. Para bang sa pamamagitan ng halik na iyon ay maibigay nitong lahat sa kaniya. No one can’t stop him. Kahit yata may sumabog na bomba ay hindi it