“NOW IS the perfect time to tell him the truth, Ayah,” ani Prix kay Ayah habang ang tingin ay hindi inaalis kay Prince na abala sa paglalaro sa isang park na naraanan nila habang daan. Mula sa kanilang anak ay nagbaling naman ng tingin si Ayah kay Prix. Tapos na silang mag-dinner. Habang daan nga, nang makakita si Prix ng park ay huminto mula sila roon para makapaglaro si Prince na tuwang-tuwa naman. “Gusto mo ba talagang biglain ang bata?” Bumuntong-hininga si Prix. “Kung gugustuhin ko, ako ang masusunod. But because I respect your decision, ‘yon ang sinunod ko.” Muling ibinalik ni Ayah ang tingin kay Prince na abala sa slide. Tama naman si Prix. Maaari siya nitong sawayin. Kaya nakakatuwa na nirerespeto nito ang gusto niya bilang ina siguro ni Prince. “It’s fine. Mabilis lang din n