“PRIX,” pigil ni Ayah sa akmang pag-alis nito. Tapos na itong mamahinga nang tanghaling iyon at nakatakda ng bumalik sa trabaho nito. Sumilay na naman ang mapaglarong ngiti sa labi ni Prix nang pumihit ito paharap sa kaniya. “What? Bibigyan mo na ako ng good bye kiss?” biro pa nito sa kaniya. Napalingon tuloy si Ayah at baka nakasunod sa kaniya si Prince. Mabuti na lamang at hindi. Nasa silid nila si Prince at naglalaro ng laruan nito roon. “A-ano kasi… puwede bang ‘wag na lang tayong mag-dinner sa labas?” Nagsalubong ang kilay ni Prix. “Why not? Ano na naman ba ang pumipigil sa iyo?” “Ang totoo niyan, wala kasi akong appropriate na isusuot sa klase ng dinner na gusto mo. Sa lugar na ito, parang hindi akma ang mga damit na dala ko,” aniya na nagbaba ng tingin. Simula nang magkaroon