MAALAB. Mainit. Mapaghanap. Iyon ang nararamdaman ni Ayah sa halik na pinagsasaluhan nila ni Prix ng mga sandaling iyon. Maging ang bawat haplos ng kamay ni Prix sa kaniyang katawan, tila ba ipinararamdam kung gaano nito iyong na-miss. Oo, literal na ngayon lang siya nakatikim ng ganoong klase ng halik makalipas ang limang taon. Sino ba ang mag-aakala na ang labi muli ni Prix ang magpaparanas sa kaniya ng ganoon kainit na halik? Mukhang sa panaginip na lamang niya iyon mangyayari. Pero ngayon, heto at pinararanas nito iyon sa kaniya. Kung hindi pa sila pangangapusan ng hininga ay hindi pa rin titigil si Prix sa paghalik sa kaniyang labi. “I miss you so much, Ayah,” humihingal pang wika ni Prix sa mga katagang iyon. “I miss every inch of you.” Katulad ng sinabi kanina ni Prix, wala ng