KAHIT NA ALAM naman ni Sephany na nasa hindi kalayuan si Thaddeus at nakatanaw sa kaniyang kinaroroonan, iyong pakiramdam ni Sephany, hindi siya safe habang nakasakay sa loob ng kaniyang dating kotse na BMW. Ipipikit pa lamang niya ang kaniyang mga mata ay kakaiba na agad ang kaniyang nakikini-kinita. Naninindig din ang kaniyang balahibo. Hanggang sa hindi na niya kayanin na nakasakay pa sa loob ng kotse. Wala pang limang minuto ay napilitan na siyang bumaba mula sa may driver seat. Naiinis siya sa kaniyang sarili dahil hindi niya alam kung bakit ganoon ang kaniyang pakiramdam. Iyong akala niya ay kaya na niya. Ngunit noong nasa aktuwal na siya, hindi pa rin pala. Agad namang tumakbo si Thaddeus palapit sa kaniyang kinaroroonan. Mahigpit siyang yumakap dito nang makalapit ito sa kaniy