NAPAHINTO sa pagtawa si Sephany nang makarinig ng pagtikhim. Saka lang niya napansin na naroon na pala ang kaniyang asawa na si Thaddeus. “Ang saya ninyo masyado,” walang kangiti-ngiti nitong wika na pinaglipat pa ang tingin sa kanilang dalawa ni Theo. Matapos kasi ng mabigat na kuwentuhan nila ni Theo kanina tungkol sa ina ng mga ito ay nag-change topic na siya. At si Thaddeus nga ang naging pulutan nila sa kuwentuhan nila Theo. Kaya kahit paano, ang dami rin niyang nalaman tungkol sa kaniyang asawa. Ngayon lang sila nagkaroon ni Theo ng time para makapagkuwentuhan at pakiramdam niya, isa ito sa nawawala niyang close friend. Kabaligtaran ito ni Thaddeus. Palangiti at marami ring kuwento kaya naman nakakatuwa ring kausap. “Kuya,” lalo pang lumawak ang ngiti sa labi ni Theo nang makita