“LAHAT ng natatanaw ko, tinaniman ninyo ng kape?” manghang inililibot ni Sephany ang kaniyang tingin sa napakalawak ding taniman ng kape nina Thaddeus. “Yes.” “Wow,” bulalas niya. Nagsisimula pa lang sina Thaddeus magpalaki ng puno ng kape. Kabibili lang din kasi halos ng napakalawak na lupaing iyon. “Mas maganda ‘to pagdating ng panahon,” wika pa ni Thaddeus. Lahat naman ng businessman ay sa future nakatingin. Kung ano bang benefits na maibibigay ng naturang negosyo pagdating ng panahon. “Ang hilig ninyong bumili ng mga malalawak na lupain,” aniya sa kaniyang asawa nang ibalik niya ang tingin dito. “Hanggat kaya ng budget, wala namang masama na bumili nang bumili, Sephany. Sa bawat paglipas ng panahon, pabago nang pabago ang takbo ng teknolohiya. Mas lalong nag-a-upgrade. Kasabay n