“HINDI ko alam na darating si Papa,” ani Thaddeus kay Sephany nang makarating silang dalawa sa silid nito matapos nilang maghapunan. Ang guwapong mukha ng kaniyang asawa ay very apologetic. Siguro ay iniisip ni Thaddeus na baka mag-isip siya ng kung ano dahil sa pagsulpot ng ama nito sa rancho ng walang pasabi. tamang hinala pa naman siya kay Thaddeus na baka darating ang ama nito sa rancho kaya isinama siya roon ng kaniyang asawa. At ngayon nga, bigla na lamang sumulpot ng walang pasabi ang ama ni Thaddeus. Naupo si Sephany sa may gilid ng kama. “Ano pa ba ang magagawa natin? Nariyan na ang Papa Henry mo na gusto tayong makita. Isang buwan ka rin niyang hindi nakita, siguradong iniisip niya rin na totoong nagkasama tayo sa lumipas na isang buwan.” “Hindi ka galit?” Umiling siya. Saka