Chapter 33

2670 Words

“MA’AM TANYA, ano po ang ginagawa ninyo riyan?” pansin pa ni Abi kay Tanya na nakasandal sa may pader. Sa gilid ni Tanya ay ang pasilyo papunta sa may main door ng penthouse. “Hinihintay si Karzon,” nakangiti niyang sagot sa tanong ni Abi. “Po? Eh, bakit po nariyan kayo? Bakit po hindi sa may salas?” “Basta. Sige na, Abi, at baka makahalata si Karzon na may tao rito kapag biglang dumating.” “Sige po,” ani Abi na naglakad na palayo. Nakatago siya roon. Balak lang naman niyang gulatin si Karzon. Gusto niyang makita kung paano itong magulat. Napangiti si Tanya sa sarili niyang kalokohan. Ano mang sandali ay parating na si Karzon mula sa trabaho nito. At nang marinig nga niya ang pagbukas ng main door ay inihanda na rin niya ang kaniyang sarili. Dinig din niya ang mga yabag ng sapatos.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD