ALAS NUEBE na nang magising si Tanya kinabukasan. Wala na si Karzon sa kanilang silid. Tiyak niya na pumasok na ito sa opisina nito. Nang maalala na wala siyang saplot sa kaniyang katawan ay ni hindi agad niya magawang bumangon. Ramdam na ramdam ni Tanya ang p*******t ng kaniyang katawan. Lalo na ang parteng balakang niya at ang pagitan ng mga hita niya. Pero hindi naman maaaring nakahiga lang siya roon. Kaya nang makabawi ng sapat na lakas ay sinikap niyang makabangon. Kinuha niya ang isang puting roba na nakatiklop sa may bedside table, siguradong si Karzon ang naglagay niyon doon. Isinuot niya iyon sa kaniyang hubad na katawan. Pagkuwan ay bumaba na sa kama. Napaungol pa siya nang sa paghakbang niya ay makaramdam ng kirot sa pagitan ng mga hita niya. Daig pa tuloy niya ang isang napi