Buong puso akong nagdasal na sana ay umalis na ng malaking bahay si Jacob dahil hindi ko pa kayang makita si Jacob lalo na at galit na galit ang aking asawa. Pagpasok namin sa dining room ay bigla akong natigilan nang madatnan ko si Jacob na kumakain. Bahagya akong umatras at nagtungo sa likurang bahagi ng aking asawa at kaagad na hinawakan ni Jake ang aking braso. Actually, hindi ko matukoy kung hawak ba iyon o ano kasi sobrang higpit kasi ng pagkakawak niya at napangiwi ako. Nang mapansin kong nakatingin si Jacob sa amin ay pinilit ko ang aking sarili na ngumiti upang hindi siya maghinala. Siguro ay nakuha ni Jacob na hindi ako komportable na kasama siya sa isang lugar kaya kaagad itong tumayo. "Tapos ka na ba?" Hindi ko napigilan ang aking sarili na tanungin siya dahil napansin ko na m

