Habang nakaharap ako sa aking laptop ay di ko mapigilan ang aking sarili na mapaiyak dahil sa aking sinapit. Ano ba ang nagawa kong kasalanan? Bakit ang hirap maging masaya? Gusto ko lang namang sumaya kahit sandali lang sana pero bakit ganoon? Ginawa ko naman siguro ang lahat at hindi naman ako masamang tao upang parusahan ng ganito. Siguro kung may pagkakamali man akong nagawa sa aking buhay, sapat na ba iyon upang ipagkait sa akin ang tunay na kaligayan? Sapat na ba iyon upang pahirapan ako ng ganito? Ginusto ko lang naman sanang maranasan kung ano ang pakiramdam ng isang babae na may nagmamahal ng tapat. Aminado ako sa aking sarili na sobra akong mag-effort tuwing may minamahal ako, pero nakakapagod na kasi na ako na lang palagi. Nakakapagod na rin maging lalaki sa isang relasyon at

