Pagkatapos niya akong saktan ay lumabas si Jake pero gaya ng dati ay binawalan niya akong lumabas mula sa silid namin. Malalim akong bumuntonghininga habang nakatingin sa kawalan. Noong paulit-ulit akong niloko ng mga lalaki, hiniling ko na sana ay pisikal na lang nila akong saktan kaysa sa emotional damage ang ibibigay sa akin. Pero ngayong alam ko na ang pakiramdam ng isang battered wife, dios mio, hindi ko nagustuhan. It's so pathetic na hinayaan ko siyang saktan ako dahil sa isang kasalanan na nagawa ko sa kanya. Ako lang ba ang may kasalanan? Hindi rin naman madali ang ma-ghost, eh! Muli na naman akong huminga ng malalim dahil sa mga naiisip ko. Siguro ay kailangan ko ng baguhin ang aking desisyon. Oo at may taning na si Jake pero kakayanin ko bang maging punching bag hanggang sa ku

