Nagngitngit ang aking kalooban dahil ako na nga itong nag-sacrifice ng kaligayahan ay ako pa itong nabugbog. Ghad, ang unfair naman yata ng nangyari sa akin kaya muli kong nilakasan ang aking loob at lumabas ng silid kahit na pinagbawalan ako ni Jake. Nang may nakasalubong akong katulong ay kaagad ko siyang nilapitan upang magtanong. "Manang, nakita mo ba si Jake?" "Hi po, Miss Natalia. Umalis po siya kasama ang kanyang ama. Pupunta sa hospital," sagot nito at kaagad namang kumunot ang aking noo. "Sinumpong ba siya?" "Lumala po kasi ang sakit ni sir Jake, iyon ang usap-usapan, pero hindi n'yo po ba alam?" Oo, hindi ko alam na lumala ang sakit niya dahil ang lakas niya tuwing sinasampal ako, eh. Paano ko masasabi na lumala pala iyong sakit niya eh kung umasta kasi ito ay parang walan

