Ang bobo ko talaga pagdating sa pag-ibig. Mabilis bolahin. Sobra daw akong mahal pero ganoon lang kadali upang ipagpalit.Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan ko eh ako naman itong hindi kayang mag-commit sa kanya. Bumalik ako sa bahay na bagsak ang balikat at mas lalong bumaba ang self-esteem. Huwag naman sanang umabot na pati self-love ay hindi ko na kayang gawin. "Nat!" Kaagad akong natigilan nang marinig ko ang kanyang boses. Hindi ko alam kung lilingon ba ako o hindi. Pero hindi na kami mga bata at kailangan kong harapin ang katotohanang magkikita kami araw-araw sa gusto man namin o hindi. "Jacob, bakit?" "Iyong nakita mo kanina, wala lang iyon," sabi nito. "Nakitang ano? Ah, iyong pakikipaglampungan mo sa hardin? Huwag ka ng mag-alala kasi wala lang naman iyon sa akin, eh," pagsi

